-- Advertisements --

Inabutan na ng malakas na ulan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 Parade of Stars nitong araw ng Biyernes, Disyembre 19, na dinaluhan ng mga artista at libo-libong tahanga sa Makati at Pasay City.

Nakita sa parada ang mga pangunahing cast ng walong opisyal na pelikula ng MMFF 2025.

Kinabibilangan ito ng “Call Me Mother,” “Rekonek,” “Manila’s Finest,” “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins,” “I’m Perfect,” “Love You So Bad,” “UnMarry,” at “Bar Boys: After School.”

Dahil sa aktibidad, ipinatupad ang pansamantalang pagsasara ng mga linya ng kalsada at stop-and-go traffic scheme, habang mahigit 200 pulis at MMDA personnel naman ang nagbantay sa seguridad.

Matapos ang parada susundan ito ng isang music festival sa Circuit Makati na tampok ang ilang kilalang mang-aawit at artista.

Opisyal na mapapanood ang mga pelikulang MMFF 2025 sa mga sinehan simula Disyembre 25.