-- Advertisements --
Inanunsyo ng anak ni Ricky Davao na si Rikki Mae Davao ang detalye ng burol para sa yumaong beteranong aktor na si Ricky Davao.
Gaganapin ito sa Heritage Park, Taguig City mula Mayo 4 (Linggo) hanggang Mayo 7 (Miyerkules), bukas para sa pamilya at mga kaibigan. Magkakaroon ng mga novena Mass at service kada araw.
Mababatid na pumanaw si Ricky Davao sa edad na 63 dahil sa cancer. Kinumpirma ito ng anak niyang si Ara Davao noong Biyernes ng gabi.
Kilala si Ricky sa kanyang mahigit 40 taong karera sa industriya ng pelikula at telebisyon, at sa mga pelikulang ”Abot Hanggang Sukdulan,” ”Saranggola,” at ”Ipaglaban Mo: The Movie.”
Nakatanggap din si Ricky Davao ng mga parangal mula sa FAMAS, Gawad Urian, at Metro Manila Film Festival.