-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranong aktor na si Pepito Rodriguez sa edad na 83.

Kinumpirma ng kaniyang pamangkin na si Hope Marco Neri Yutuc ang pagpanaw ng aktor.

Nabawian ito ng buhay sa pagamutan dahil sa sakit na pneumonia.

Isinilang bilang si Jose Maria Rodriguez na isa sa mga artista ng Sampaguita Pictures.

Kapatid siya ng aktor na si Ramil Rodriguez na namayapa noong 2014.

Noong 2024 ay nakatanggap ito ng Iconic Movie Actor of Philippine Cinema award ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.