-- Advertisements --

Pumanaw na ang multi-awarded Filipino playwright Tony Perez sa edad na 74.

Kinumpirma ng kaniyang apo na si Pearl Miranda ang pagpanaw ng lolo sa pamamaigtan ng kaniyang social media account.

Hindi naman na binanggit nito ang naging sanhi ng kamatayan ng lolo.

Kilala din si Tony bilang fictionist, painter, educator at paranormal expert ganun din sa mga kababalaghang nagaganap sa Pilipinas.

Isinilang si Antonio Benjamin Silva Perez noong Marso 31, 1951 sa San Fernando, Pampanga kung saan undergraduate ito sa Ateneo de Manila University ng AB Communications noong 1972 at nagtapos sa Ateneo de Manila University Graduate School of Arts and Science mula 1972 hanggang 1977.

Ilan sa mga stage plays na gawa niya ay ang “Florante at Laura the musical”, “Sa Pugad ng Adarna the musical” at maraming iba pa.

Nakatanggap ito ng maraming parangal kabilang ang Cultural Center of the Philippines (CCP) Thirteen Artist Awards noong 1974 , FAMAS Award para sa Best Story noong 1975 at maraming iba pa.

Nakalathala din nito ng mga libro gaya ng “The Calling: A Transpersonal Adventure,”, Mga Panibagong Kulam Sa Pag-ibig.” at maraming iba pa.