-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) sa pamilya ng beteranang aktres na si Rosa Rosal.

Ito ay matapos na mabiktima ng fake news ang FAMAS na pumanaw na umano ang actress.

Agad na pinabulaanan ito ng kaanak ng actress matapos na mabasa ang social media post ng FAMAS.

Ayon sa FAMAS na nananatiling buhay pa ang 97-anyos na actress kasama ang pamilya nito.

Tiniyak din ng FAMAS na hihingi sila ng public apology matapos na nagdulot ng pagkagulat sa mga kaanak ng beteranang aktres.