Bumuhos ng pagbati mula sa kaniyang mga fans at kapwa artista matapos na ianunsiyo ng actress na si Assunta de Rossi na ito ay buntis.
Sa kaniyang social media account, ginulat ng actress ang kaniyang mga fans dahil limang linggo na itong buntis mula sa asawang si Jules Ledesma.
Kuwento ng 37-anyos na actress, nakaramdam ito ng pagkahilo at pagsusuka noon pang Marso kaya agad itong kumonsulta sa kaniyang OB- Gyn.
Hindi nito akalain na magbubuntis pa siya kahit na mayroon itong myoma at endometriosis.
Noong Disyembre 14, 2002 ng ikinasal ang actress sa 59-anyos na dating mambabatas sa isang civil ceremony sa Negros Occidental.
Matapos ang dalawang taon ay isinagawa ang church wedding sa Forbes Park, Makati.
May dalawa ng anak ang dating mambabatas mula sa yumaong asawa noong 2000 na sina Cristina, 29 at Carlos na 24-anyos na.
Ilan sa mga bumati sa actress ay sina Pauleen Luna-Sotto, Kris Bernal, Dawn Zulueta, Diana Zubiri, Izza Calzado at maraming iba pa.