-- Advertisements --

Sa ika-25 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, tinalakay ng Impeachment Court ang Article 2 ng impeachment complaint, kabilang ang kanyang idineklarang yaman batay sa mga SALN.

Mula nang pumasok sa politika bilang Vice Mayor ng Davao City noong 2007, nagbago ang kanyang idineklarang net worth sa paglipas ng mga taon.

Mula sa 7.25 milyon pesos noong 2007, higit itong dumoble sa 18.49 milyon pesos noong 2008. Bumaba naman ito sa 14.27 milyon pesos noong 2010 hanggang 2011, bago muling tumaas sa 22.12 milyon pesos noong 2012.

Sa pagpasok niya sa pambansang politika bilang Vice President, umabot sa 71.51 milyon pesos ang kanyang net worth noong 2022. Tumaas pa ito sa 77.51 milyon noong 2023 at 88.51 milyon noong 2024.

At noong 2025, umabot sa 98.66 milyon piso ang kanyang idineklarang net worth.

Sa kabuuan, batay sa mga nakasaad na halaga, tumaas ng humigit-kumulang 91.41 milyon pesos ang kanyang idineklarang net worth mula 2007 hanggang 2025.

Ang mga halagang ito ang naging bahagi ng talakayan ng Impeachment Court kaugnay ng Article 2 ng impeachment complaint.