Ipinaubaya ng Malacañang sa Senado ang magiging desisyon kung maglalabas ng subpoena laban kay Vice President Sara Duterte para pilitin siyang tumestigo sa sarili niyang impeachment trial.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nasa senado na ang pagpapasya sakaling hilingin ng house prosecution panel na humarap sa witness stand ang Bise Presidente upang patunayan ang kaniyang pahayag na inosente siya sa mga alegasyon laban sa kaniya.
Sinabi rin ni Castro na maaaring kaya nais ng prosecution na humarap si duterte dahil dati na umano nitong ipinahayag ang kahandaang harapin at linawin ang mga alegasyon laban sa kaniya.
Samantala, sinabi ni impeachment court spokesperson Regie Tongol na posibleng magkaroon ng oral arguments kung pormal na hihiling ang prosecution ng subpoena para obligahin ang Bise Presidente na dumalo at tumestigo sa paglilitis.