Walang nakikitang foul play at isang aksidente lamang ang nangyaring pagbagsak ng helicopter sa isang gusali sa Manhattan New York.

Sinabi ni New York Governor Andrew Cuomo, na dahil sa lakas ng ulan at sama ng panahon kay napilitang mag-emergency landing ang nasabing twin-engine Agusta A 109E helicopter.

Tanging ang piloto ng helicopter ang nasawi na kinilalang si Tim McCormack.

Umabot naman sa halos isang oras bago maapula ng mga kasapi ng New York Fire Department ang sunog mula sa 54-storey na gusali.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here