-- Advertisements --

Kinansela ng US singer-songwriter Billy Joel ang kaniyang mga concerts matapos na madiagnosed ng normal pressure hydrocephalus o isang uri ng brain disorder.

Sa kaniyang social media, sinabi ng 76-anyos na pinayuhan siya ng mga doktor na tumigil muna sa mga paggawa ng mga konsyerto.

Kasalukuyan kasi ito ng sumasailalim sa physical therapy para sa agarang paggaling niya.

Labis itong nalungkot at nadismaya dahil sa maraming mga fans ang naghihintay sa kaniya.

Humingi na lamang ito ng pang-unawa sa mga fans dahil sa kaniyang pinagdadaanan.

Ang nasabing kondisyon ay maaring mapunta sa dementia subalit ito ay maari pa ring magamot.

Nakilala ang singer sa mga kanta nito gaya ng “Uptown Girl”, “Piano Man” at maraming iba pa.