Nakatakdang pupulungin ng Department of Energy ang mga kumpanya ng langis bukas.
Ito ay para makiusap kung pwedeng hindi na muna ipatupad ang ikalawang yugto ng hinating taas presyo sa mga produktong petrolyo sa Huebes, depende sa magiging galaw ng presyo ng langis sa world market.
Ngayong araw ay ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang staggered o kalahati ng ipinataw na taas presyo sa mga produktong petrolyo at sa huebes dapat ang panibagong kalahati.
Ayon kay DOE OIC Sharon Garin na ngayong araw ay bumaba sa $69 per barrel ang presyo ng krudo sa world market.
Hindi naman masabi ni Garin kung magtutuloy tuloy na ang pagbaba ng presyo sa mga susunod na araw.
Ipinaliwanag ni Garin na hindi regulated ng gobyerno ang presyo ng produktong petrolyo at ang mga kumpanya ng langis.
kaya ang tanging pwedeng gawin aniya ng gobyerno ay makiusap sa mga kumpanya ng langis.
Nagpapasalamat naman si garin dahil sa kooperasyon ng mga oil company na hindi nagpatupad ng isang bagsak sa presyo ng produktong petrolyo sa pakiusap na rin ni pangulong ferdinand marcos jr. para maibsan ang bigat ng epekto nito sa publiko.