-- Advertisements --

Wala pa umanong balak sa ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) na una nitong sinuspinde dahil sa korupsyon.

Sinabi ni Pangulong Duterte, pinag-iisipan pa nito kung paano maibabalik at maiiwasan ang korupsyon lalo sa bidding ng prangkisa ng STL.

Kasabay nito, hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga pulis at sundalo na huwag silang mangamba o matakot na sumali sa STL operations basta huwag lamang gagamitin ang poder o pwesto para dayain o manipulahin ang bidding.

Pinayuhan din ni Pangulong Duterte ang mga pulis na kung kukuha ng STL franchise, sa labas ng kanilang area of responsibility bilang delicadeza.

“And I’m addressing myself to all. As of now, I allowed Lotto because it is a clean — it’s really run by a machine and you know the combination is done electronically. ‘Yung others, STL, I’m trying to figure out the best way. As long as there is, I said, no corruption in the awards and you do not use your public office to intimidate or to strike fear with the other competitors, I see no reason why you cannot be an incorporator of a… Ewan ko. Pag-isipan ko muna ‘yang STL but Lotto can — I gave the green light. I said, sige. And that is my advice not only to you peace officers, but also the military and for that matter any government, citi — any government employee who is a citizen of this country. We should not be deprived ourselves of that activity which can contribute to our general…,” ani Pangulong Duterte.