Nakatakdang tatalakayin ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagbabalik biyahe ng mga provincial buses simula sa Hunyo 22.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kasama ito sa phase 2 ng plano ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa pagbabalik operasyon ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Sec. Roque, magdedepende ang desisyon ng IATF kung ilalagay na sa modified general commun ity quarantine (MGCQ) ang Metro Manila na kasalukuyang nasa general community quarantine (GCQ) hanggang Hunyo 30.

Unang pinayagan ng IATF na makabalik pasada ang mga city buses, taxi at TNVS habang malabo pang makabalik sa kalsada ang mga pampublikong dyip.