-- Advertisements --

Pinagbawalan ng gobyerno ng Thailand ang isang private hospital na mag-advertise sa pagbenta ng COVID-19 vaccine.

Ito ay dahil wala pang inaaprubahan ang gobyerno na bakuna laban sa COVID-19.

Mayroon na kasing 1,000 reservation ang Vibhavadi Hospital para sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng $330.

Sinabi ng Ministry of Health office na dahil sa wala pang bakunang naaprubahan ng kanilang gobyerno kaya nagpasya sila na ipatanggal na lamang ang nasabing advertisement ng pagamutan.

Nauna ng nag-advance reservation ang Thailand sa potential COVID-19 vaccine ng AstraZeneca subalit wala pang lumalabas na rollout plans.