-- Advertisements --
Tinamaan ng airstrike ng Israel ang isang pagamutan sa Gaza.
Ayon sa Palestinian Red Crescent Society na nagtamo ng matinding pinsala ang Al-Quds Hospital dahil sa nasabing airstrikes.
Dahil sa pangyayari ay maraming tao at pasyente sa pagamutan ang nassufocate.
Sinabi naman ni Dr. Bashar Mourad ang director ng nasabing pagamutan na sa loob ng isang araw ay tatlong beses itong tinamaan ng airstrike ng Israel.
Mayroong mahigit 12,000 na pasyente ang ginagamot sa nasabing ospital na tinamaan ng airstrike ng Israel.