Umabot sa mahigit tatlong oras ang naging pag-uusap nina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping.
Kapwa dumalo kasi ang dalawang lider sa G20 Summit sa Bali, Indonesia at ang pagpupulong nila ay bilang sidelight.
Kapwa nagkasundon ang dalawa ang pagkontra nila ng bantang paggamit ng Russia ng nuclear weapons sa paglusob sa Ukraine.
Suportado ni Xi ang pagkakaroon ng mapayapang pag-uusap ng Ukraine at Russia.
Itinuturing ni Biden na nagkaroon ng “open and honest” conversation ang pag-uusap nila ng Chinese President.
Napagkasunduan din ng dalawa ang pagkakaroon ng kapayapaan sa Taiwan.
Naniniwala din ang US President na hindi lulusubin ng China ang Taiwan.
Pagtitiyak din ni Biden na hindi na kailangan pa ang bagong coldwar sa China dahil maaaring maiwasan ang problema sa kumpetisyon ng dalawang bansa.