Sinimulan na ng kinatawan ng Israel at Hamas ang indirect talks para sa peace plan at matigil na ang giyera.
Isinagawa ang pag-uusap sa Sharm El-Sheikh City ng Egypt kung saan inaaral ng bawat panig ang mga kondisyon ng ceasefire.
Nakatuoon ang kanilang pag-uusap sa pagpapalaya ng mga bihag ng bawat panig.
Una ng pumayag ang Hamas sa ilang mga bahagi ng peace plan subalit kontra sila sa ilang mga laman nito gaya ng pagtanggal sa kanilang mga armas.
Kasama ng Egypt ang ilang opisyal ng Qatar bilang sila ang mediators para isulong ang peace plan.
Ginugunita ngayon ang ikalawang taon ng pag-atake ng Hamas sa Israel kung saan nasa 1,200 katao ang nasawi at 251 iba pa ang kanilang binihag.
Dahil dito gumanti ang Israel kung saan nasa 67,160 na ang nasawi sa operation nila sa Gaza at ilang daang libo ang sugatan.