Habang lumalakas ang digmaan ng U.S. at Israel laban sa Iran, napipilitang kumilos ang Europa para protektahan ang mga base militar at ilikas ang mga mamamayang apektado.
Hindi direktang nakikilahok ang Britain, France, at Germany pero pumayag silang makipagtulungan sa U.S. para pigilan ang mga pag-atake ng Iran. Pumayag ang U.K. na gamitin ng U.S. ang kanilang base para atakihin ang mga missile at launch sites ng Iran.
Hindi ligtas ang Europa dahil tinamaan ng Shahed-type drone ang U.K. base sa Cyprus, at pinapalakas ng ilang bansa ang seguridad sa paliparan at tren.
Prayoridad ngayon ng Europa ang kaligtasan ng mamamayan. Halos 30,000 Aleman ang stranded sa Middle East, at nagpadala ng eroplano ang Czech Republic para ilikas ang kanilang mga nationals.
Sa ekonomiya, banta sa Strait of Hormuz ang dahilan para dagdagan ng France ang warships sa EU’s Operation Aspides, habang pinag-uusapan ang posibleng rebisyon ng mandato at mas mahigpit na patakaran. (report by Bombo Jai)
















