-- Advertisements --
gen cirilito sobejana AFP

Itinutiring ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isolated cases lamang ang mga nangyayaring pag-atake ng New Peopl’s Army (NPA) sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana, sinabi niyang mas malala pa ang sitwasyon o ang pangha-harass ng ng NPA noong 1980’s at 1990’s.

Nangako naman si Sobejana na tuloy-tuloy ang kanilang pagtugis sa mga rebeldeng grupo at tinutunton ang kanilang kuta kahit saan pa sila magtago.

Aminado itong may mga namamatay na mga sundalo na tinatambangan ng mga rebeldeng grupo pero sila ay hindi na raw naka-duty.

Kaugnay nito, babalikan naman daw ng militar ang kanilang nagawa at mga estratehiya noon na puwede pa nilang magamit sa ngayon.

Ito na raw ang tamang panahon para matapos na ang insurgency na nagsimula pa noong 1960’s.

Umaasa itong tutulong ang lahat para mawakasan na ang perwisyong dulot ng NPA lalo na’t mayroon na ring executive order ang pamahalaan na kailangang makilahok lahat ang mga ahensiya ng pamahalaan para sa peace at security effort.