Nakatakdang bumisita ngayong linggo sa Pilipinas si Australia Deputy Prime Minister at Minister for Defense Richard Marles bilang bahagi ng pagpapalaks ng kanilang ugnayang pangdepensa sa Pilipinas.
Sa magiging pagbisit ng opisyal, magkakaroon ng pagpupulong si Marles kasama si Department of Defense Secretary Gilberto Teodoro para sa ikalawang Australia-Philippines Defense Minister’s Meeting.
Kabilang sa mga nakatakdang talakayin sa magiging pagpupulong ay ang pagpapalalim pa ng defense cooperation ng parehong mga bansa partikular na sa capacity building, at pagppaigting pa ng interoperability ng dalawang nasyon.
Samantala, kasama rin sa tatalakayin ang pagbisita ng tropa ng Australian Forces sa Pilipinas pra makilahok sa Alon Exercises ngayong taon na siyang pinakamalaking joint military exercise ng naturang bansa ngayong 2025.