Patuloy pa rin ang ginagawang pag-aresto ng mga kapulisang ng Quezon sa mga lumalabag sa hindi pagsusuot ng facemask.

Ang nasabing hakbang ay kanilang ipapatupad hanggang hindi pa tuluyang bumababa ang kaso ng coronavirus sa nasabing lungsod.

Nitong mga nagdaang araw, ay umaabot sa ilang daang mga residente ang naaresto at lumabas.

Ang mahigpit na pag-aresto ng mga otoridad ay matapos na magpositibo sa coronavirus si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Nagsasagawa na rin ang mga otoridad sa lungsod ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng alcalde.