Tumaas ang bilang ng karne na naangkat ng gobyerno mula sa ibang bansa sa loob ng unang tatlong buwan ng taon.
Ayon sa Bureau Animal Industry (BAI) na mayroong 344,594 metric tons ang naangkat na karne mula Enero hanggang Marso.
Ang nasabing bilang ay halos 26 percent na mas mataas mula sa 273,640 metric tons na naitala sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Nangunguna pa rin ang karne ng baboy sa mga produktong inaangkat ng bansa na mayroong 183,188 metric tons.
Ito ay mas mataas ng 42.55 percent mula sa 128,510 metric tons noong nakaraang taon.
Una ng sinabi ng mga importers at negosyante ng bansa na mahalaga ang pag-angkat ng gobyerno ng mga karne mula sa ibang bansa para matugunan ang kakulangan ng suplay ng karne sa bansa.
Nangunguna ang bansang Brazil na pinagkukuhanan ng Pilipinas ng mga imported na karne na sinundan ng US at Spain.