-- Advertisements --

Ligtas sa African Swine Fever (ASF) ang mga lechon mula sa accredited na lechunan sa Quezon City.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), na mahalaga na ang mga mamimili ay bumili sa mga accredited na mga establishimento.

Marapat din na sundin ng mga mamimili ang mga standard sa food safety practices.

Hinikayat din ng BAI na ireport sa kanila ang mga hindi normal na pagkasawi ng mga alagang baboy.

Maging ang Local Government Units ay gumawa na rin ng mga hakbang para ipatupad ang istriktong biosecurity measures gaya ng regular na disinfections.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay 14 na mga lechonan ang isinara matapos na magpositibo sa ASF ang ilang mga alagang baboy doon at nagsagawa na rin ng culling ang Department of Agriculture sa lugar.