-- Advertisements --

Muling lumakas ang bagyong Paeng bilang severe tropical storm.

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 375 km sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Kumikilos nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Taglay na ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.

Signal No. 1:

Southern portion ng Ilocos Norte (Badoc, Pinili, Banna, Nueva Era, City of Batac, Paoay, Marcos, Currimao, Dingras, Solsona, Sarrat, San Nicolas, Laoag City, Piddig), Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, western at central portion ng Pampanga (Mexico, Porac, Angeles City, Santa Rita, Santa Ana, Guagua, Sasmuan, Mabalacat City, Arayat, Santo Tomas, Minalin, City of San Fernando, Bacolor, Floridablanca, Magalang, Lubao), Abra, Benguet, western portion ng Mountain Province (Besao, Tadian, Bauko, Sabangan, Sagada), western portion ng Ifugao (Tinoc, Hungduan), Tarlac, the western portion ng Nueva Vizcaya (Santa Fe, Kayapa), western portion ng Nueva Ecija (Cuyapo, Talugtug, Nampicuan, Guimba, Licab, Quezon, Zaragoza, San Antonio, Cabiao), Zambales pati na ang central at southern portion ng Bataan (Orani, Abucay, Hermosa, Samal, Morong, Dinalupihan, Bagac, City of Balanga, Pilar)