Sa kalagitnaan ng Hulyo magtutungo sa US si Senator Manny Pacquiao para simulan ang ensayo sa ilalim ni Freddie Roach.

Isasagawa nito ang training sa Wild Card gym ni Roach sa Los Angeles para sa laban niya kay Errol Spence Jr sa Agosto.

Maglalaan kasi ang 42-anyos na boksingero ng hanggang isang buwan para sa laban niya sa mas batang boksingero.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Agosto 21 sa MGM Grand Garden Arena.