Ipinagdiwang ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang kaniyang ika-25 taon bilang professional boxer.

Sa kaniyang social media post, sinabi nito na hindi niya mararating ang pagiging professional boxer kung walang tulong mula sa kaniyang pamilya.

Dagdag pa ng 41-anyos na boksingero, na malaking pagbabago ang dinala sa buhay nito ang pagboboksing.

Labis-labis then ang pasasalamat nito sa kaniyang coach at team Pacquiao dahil sa walang pagod para maging magaling na boksingero.

Nagsimula ang kaniyang boxing career noong Enero 22, 1995.

Matapos ang 25 taon ay tanging siya lamang ang unang boksingero na mayroong walong-division world title.