-- Advertisements --
Nabigo si Pinoy boxer Jonas “Zorro”Sultan sa kamay ng Japanese boxer na si Katsuma Akitsugi.
Naganap ang non-title bout sa Fresno, California nitong araw ng Linggo.
Ito na ang pangalawang sunod na pagkatalo ni Sultan na dating world title challenger.
Ang 27-anyos na s Japanes boxer ngayon ay mayroong malinis na 13 panalo na mayroong tatlong knockouts.
Habang si Sultan ay mayroon na 19 panalo , walong atlo at 11 knockouts.
Huling pagkatalo nito ay sa kamay ni Riku Masuda noong Pebrero 2024 sa Japan.