-- Advertisements --

Nagwagi si Pinoy boxer John Riel Casimero laban sa kay Luis Nery ng Mexico.

Nakuha ni Casimero ang Technical Knockout na panalo sa loob ng ikaapat na round sa laban na ginanap sa Japan.

Sa unang round pa lamang ay pinabagsak na ni Casimero si Nery hanggang sinundan pa ito sa ikalawang round at sa ikatlong round.

Pagpasok ng ikaapat ay dominado pa rin ng 37-anyos na si Casimero ang laban at tuluyang pinatumba ang Mexican boxer.

Mayroong ng 36 panalo, limang talo at isang draw na may 25 KO si Casimero habang ang Mexican boxer ay mayroong 37 panalo at tatlong talo.

Nagpahapyaw naman si Casimero kay Japanese boxer Naoya Inoue na nais niya itong makaharap.