pacquiao belt
Boxing icon Senator Manny Pacquiao

Mahigpit na binilinan ng barangay council ng Barangay Dasmariñas sa Makati City si Senator Manny Pacquiao at pamilya nito na manatili muna sa kanilang bahay dahil sa posibleng na-expose sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Kasunod ito na nakita ang Filipino boxing champion na nakasalamuha si Senator Koko Pimentel na nagpositibo sa nasabing virus.

Paliwanag pa ni Punong Barangay Rossana Hwang, dahil sa pagkalat ng larawan na nakasama nito ang kapwa senador kaya maigi na hindi muna sila lalabas.

Kinumpirma naman ng special assistant ng senador na si Jayke Joson na kahit na walang pasabi ang barangay council ay sumailalim na sa self-quarantine ang senator ang buong pamilya nito.

Kung maaalala ang iba pang kasama ni Pacman na COVID positive ay sina Sens. Sonny Angara at Migz Zubiri. Habng ilang Senate staff din ang napaula na nahawa rin sa coronavirus.