Nanawagan din si Senator Manny Pacquiao nang patuloy na pagtulong sa mga nasalanta ng pagsabog ng Taal Volcano.

Sa inilabas nitong video message, sinabi nito na anumang tulong na malilikom sa pamamagitan ng kaniyang foundation ay kaniya itong dodoblehin para mas maraming matulungan.

Idinetalye nito na dumaan din siya sa hirap kaya dama nito ang kasalukuyang nararanasan ng mga naapektuhang mga biktima.

Tiniyak naman nito na ang mga tulong na ibibigay ay makakarating sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.