-- Advertisements --

Posibleng sa Biyernes na umano ang alis ni Sen Manny Pacquiao sa Amerika para bumalik ng Pilipinas matapos ang bigong laban kontra sa Cuban champion na si Yordenis Ugas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella, sinabi nito na ang naturang schedule ay tentative pa lamang at posibleng magbago pa.

Una rito, nagpapagaling pa ngayon sa kanyang bahay ang fighting senator sa Los Angeles matapos magpa-check up sa kanyang mata.

Ang isa nitong mata ay nilagyan ng tahi makaraan ang bakbakan nila ni Ugas.

Nitong araw ay nagsimula na ring tumanggap ng ilang mga bisita si Pacquiao.

-- Advertisement --

Taliwas nitong nakalipas na araw ay nagpapahinga muna ito.

Sa instagram ni Jinkee Pacquiao, makikita na sinusubuan niya ng pagkain ang mister habang nakapikit ang mata.