Nakatakdang ipakita sa publiko ang wax figure ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Makikita ito sa Madame Tussauds wax museum sa Hong Kong sa darating na 2020.

Siya na ang magiging kauna-unahang Filipino na magiging immortalized sa international museum.

Isinabay an nasabing anunsiyo sa ika-41st kaarawan ng boxing senator.

Ikinatuwa naman ni Pacquiao ang pagkakaroon niya ng wax figure na itinuturing niya na muling makikilala ang bansa sa buong mundo.

Magugunitang si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang unang Filipino na magkaroon ng wax figure sa sikat na museum na inilunsad noong Marso.