Ipinakita ni Peoples champ Sen. Manny Pacquiao ang kaniyang pagiging tunay na sundalo kahit sa loob ng boxing ring, itoy kahit sugatan sugod pa rin ito ng sugod sa kalaban.

Ito ang pahayag ni AFP chief of staff General Eduardo Ano.

Ayon kay Gen. Ano bagamat natalo sa laban si Pacquiao proud pa rin ang buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa senador na isang Army reservist.

“Natalo si Pacquiao, ganyan talaga yung laban pero nakita niyo naman like a true soldier yan even he is wounded he keeps attacking the opponent,” pahayag ni Gen. Ano.

Pahayag ni Ano na hanggang sa huli hindi umurong si Pacquiao sa kaniyang laban kay Jeff Horn.

Aminado naman si chief of staff na siya ay nabigla sa naging resulta sa laban dahil kitang kita naman na ang mga pinapakawalang suntok ni Pacquiao kay Horn ay kumukonek naman ito.

” Tayo mga Pilipino tinitingnan natin yung laban, makita mo yung mga suntok ni Pacquiao kumukonek naman,” wika ni Ano.

No comment naman si Ano na dapat ng mag retiro sa boxing  career niya si Pacquiao.