Manny Pacquiao
Manny Pacquiao

Itinuturing ni Senador Manny Pacquiao na isang maagang regalo sa kaniyang kaarawan ang diplomang nakamit sa pagtatapos niya sa kolehiyo.

Nitong Miyerkules kasi ng isagawa ang graduation ceremony sa University of Makati kung saan kabilang ang Filipino boxing champion na nagtapos ng Bachelor of Arts in Political Science and Local Government Administration.

Dagdag pa nito na hindi pa huli ang lahat na abutin ang pangarap dahil hindi lamang ito para sa kaniyang sarili at sa halip ito ay para sa kaniyang pamilya.

Nagsimulang mag-enroll ang 41-anyos na boksingero nitong Enero.

Sa darating na Disyembre 17 ay magdiriwang ng kaniyang kaarawan ang boksingero.