-- Advertisements --

Masayang ipinagdiriwang ni Mommy Dionesia Pacquiao ang kanyang ika-73rd na birthday.

Ayon sa ina ni Senator Manny Pacquiao na malaki ang kanyang pasasalamat sa poong maykapal at nakaabot sya ng ika pitong pot tatlo na taon at nagpapasalamat din ito sa mga biyayang natatanggap.

Samantala ang pagkakaroon nga malakas na katawan at mahabang buhay ang patuloy na ipinapanalangin ni Mommy D sa Diyo sa kanyang kaarawan.

Nalaman na kahapon May 15 araw ng Lingo alas 11 ng umaga may naganap na misa sa chapel na pagmamay ari mismo ni Mommy D kung saan nasa gilid lamang ng kaniyang mismong bahay.

Pagsapit ng gabi ginanap ang salo salo at party sa Family County Convention Center para sa birthday ni Mommy D na dinaluhan ng kanyang mga anak at mga malalapit na kaibigan.

Samantala wish ng kanyang partner na si Michael Yamson ang malusog na pangangatawan para sa kanyang mahal sa buhay.