Mistulang nagpahiwatig si Pinoy ring superstar Sen. Manny Pacquiao na bukas itong pagbigyan ang hirit na boxing match ni MMA star Conor McGregor.

Sa isang video message, sinabi ni Pacquiao na hiling din niya na magtagumpay si McGregor sa nakatakda nitong laban kontra kay Donald Cerrone sa UFC 226.

“Conor, good luck in your fight on Saturday night. Do your best,” wika ni Pacquiao.

Ayon naman kay MP Promotions president Sean Gibbons, kailangan munang magwagi ni “The Notorious” upang ikonsidera siya ng “Fighting Senator.”

“After that, if you want to get a proper fight, good to see ya,” ani Gibbons.

Una nang sinabi ni McGregor na pirma na lamang daw ang kulang upang matuloy ang face-off nila sa ibabaw ng ring.

Matatandaang sumabak ang Irish fighter sa boxing sa kauna-unahang pagkakataon noong 2017 nang harapin at talunin ito ng hinirang na Fighter of the Decade na si Floyd Mayweather Jr.