Reading Time: 1 minute

Naghihintay na lamang umano si Pinoy legend Sen. Manny Pacquiao sa magiging sagot ni Floyd Mayweather Jr. sa hirit nitong rematch.

Una nang sinabi ni Mayweather na pinaplantsa na raw ang isang exhibition match sa pagitan nilang dalawa ni Pacquiao sa Tokyo, Japan.

Ayon kay Sean Gibbons, presidente ng MP Promotions, kung si Pacquiao ang tatanungin ay mas gusto raw nito ang isang 12-round professional fight.

Batay sa ulat, bigla umanong nagkita sina Gibbons at Mayweather sa ringside sa Las Vegas card kung saan main event sina Errol Spence at Shawn Porter.

“We laughed about the exhibition in Japan,” wika ni Gibbons. “I told him the senator is ready to go when he is … 12 rounds in 2020.”

Tumanggi namang magkomento si Mayweather sa mungkahi ni Gibbons at natawa na lamang ito.

“Floyd is a tremendous poker player,” ani Gibbons. “He laughed when I told him 12 rounds in 2020.”