PACQUIAO 1
Sen. Manny Pacquiao

Handang magbigay ng pabuya si Filipino boxing champion Manny Pacquiao kung sinuman ang makakapagturo sa mga opisyal ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na sangkot sa game-fixing.

Ayon sa Senador bilang founder din ng MPBL, na agad na isumbong sa kaniya kapag may nagtangkang manuhol at hindi ito magdadalawang isip na magbibigay ito ng pabuya.

Ibinahagi nito na para maiwasan ang nasabing panunuhol o game fixing ay naglabas ito ng memorandum na nagbabawal sa paggamit ng cellphone tuwing may laro.

Ibinunyag din nito na may ilang bansa gaya ng Qatar at Oman ang humiling na kung maaari ay doon gawin ang liga sa kanilang bansa.