Agad na hinamon ni American boxer Mikey Garcia si Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao na magtuos sila sa loob ng boxing ring.

Pahayag ito ni Garcia matapos dominahin ang kababayang si Jessie Vargas sa pamamagitan ng unanimous decision.

Ayon kay Garcia, maliban kay Pacquiao, gusto rin daw nito na magkaroon sila ng rematch ni Errol Spence Jr.

Si Spence ang nagbigay kay Garcia ng kauna-unahang professional loss nito nang magtuos ang dalawa noong Marso 2019.

“I’m better at this weight class. This is a great option to continue at 147,” ani Garcia.

Isa si Garcia sa mga boksingerong ikinokonsidera ni Pacquiao sa comeback fight nito na sinasabing gaganapin sa buwan ng Hulyo.

Hawak na ngayon ni Garcia ang 40-1 win-loss record, kabilang na ang 30 knockouts.