-- Advertisements --

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na hindi nila pababayaan ang isyu ng data breach kontra sa Smartmatic, kahit abala sila sa paghahanda sa halalan.

Matatandaang nakaladkad ang technology provider dahil dating tauhan ng kompaniya ang iniuugnay sa isyu at pasilidad pa nila ang ginamit sa paglalabas ng impormasyon.

Kaya naman nangako si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na habang wala pang resolusyon sa naturang kontrobersiya, kanila munang iho-hold ang P90 million na bayaran sa kompaniya.

“So far, we have not put in any of these except to withhold payment to Smartmatic. I have not signed the voucher for the payment to Smartmatic in amount of P90 million pursuant to our contract because we want to clear this matter about this leakage… of some data,” wika ni Pangarungan.

Maliban dito, may iba pang mga hakbang na inihahanda ang legal department ng poll body laban sa Smartmatic.

Pero kung masisiguro umano na inosente ang technology provider, ibibigay din naman ng komisyon ang kaukulang bayad para sa nasabing kompaniya.

“Once we are convinced that Smartmatic is innocent about this leakage of the data,” pahayag pa ng opisyal.