-- Advertisements --

Kinumpirma ng Korte Suprema na dalawang judge ng Pasig Regional Trial Court ang tinatarget ngayon ng online threats.

Ayon sa SC, ito ay sa pamamagitan ng email.

Kaugnay nito ay tiniyak naman ng ahensya na nagsagawa na sila ng security measures para maprotektahan ang mga hukom at iba pang mga tauhan ng naturang korte.

Sa naging pahayag ng Korte Suprema, binigyang diin nito na ang ganitong mga banta ay kanilang sineseryoso at hindi pwedeng ipagwalang bahala lamang.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga awtoridad upang masimulan na ang imbestigasyon sa naturang banta.

Tiniyak rin ng SC na magpapatuloy ang mga hukom na apektado sa kanilang mandato ng may integridad at patas na pagbibigay ng desisyon sa kaso.

Nanawagan rin ito sa publiko at sa lahat ng mga stakeholders na panatilihing vigilante at patuloy na suportahan ang mga judicial process na may tiwala at respeto.