-- Advertisements --

Tinanggihan ng korte ang motion na inihain ng kampo ni dating Bamban-Tarlac Mayor Alice Guo na leave to file a demurrer to evidence o ang pagkuwestiyon na hindi sapat ang ebidensiyang inilabas ng prosecutions.

Ipinagpaliban din sa araw ng Lunes, Mayo 19 ang pagsisimula ng pagpresenta ng mga ebidensiya.

Hindi nagbigay pa ng anumang detalye si Pasig Assistant City Prosecutor Prosecutor Robinson Landicho kung bakit hindi natuloy ang pagdinig.

Tiniyak naman ni Landicho na naging maganda ang lagay ng kalusugan Guo.

Lahat aniya ng mga persons deprived with Liberty ay regular na binabantayan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).