Nagwagi ang US rapper na si Afroman mula sa kasong isinampa ng pitong deputies sheriff.
Kinasuhan kasi ang rapper dahil sa pagbatikos sa mga kapulisan sa ginawang raid sa kaniyang bahay.
Taong 2022 ng magsagawa ng raid ang mga kapulisan sa bahay ng rapper bilang bahagi ng drug at kidnapping investigation.
Matapos noon ay walang nakitang anumang ebidensiya at walang kasong isinampa.
Dahil dito ay gumawa ng kanta ang singer na pinamagatang “Lemon Pound Cake” kung saan ginamit niya sa video ang mga video na kuha sa CCTV na ikinagalit ng mga otoridad.
Kinasuhan nila ang rapper ng defamation subalit ibinasura ito ng judge matapos ang tatlong araw na pagdinig.
Hiniling pa ng mga otoridad na magbayad ang rapper ng $3.9 milyon bilang damages dahil sa pagpapahiya na nagdulot ng mental distress, kahihiyan at pagkasira ng reputasyon.
Sa kaniyang social media nagpost ang rapper na si Joseph Foreman sa tunay na buhay na ang kaniiyang ginawa ay bilang bahagi ng freedom of expression.














