Pumanaw na ang kilalang feminist activist at journalist na si Gloria Steinem sa edad na 92.
Sinabi ng kaniyang foundation na mapayapa itong namalaan sa kaniyang bahay sa New York City.
Si Steinem ay writer at magazine editor, co-founder din siya ng Women’s Action Alliance ang grupo na lumalaban sexism ng mahigit na 50 taon.
Nagsimula siya bilang journalist sa New York at kasamang nagtaguyod ng Ms. magazine.
Ang nasabing magazine ay siyang mga unang publication na nakatuon sa usapin ng mga isyu tungkol sa mga kababaihan bukod sa pag-alaga sa bahay at sa kagandahan.
Noong 1970 ay nanguna siya sa paglaban sa reproductive rights ng mga kababaihan.
Pumabor din ito sa pagsasaligal sa same-sex marriage ganun din ang pantay na karapatan at sahod sa mga kababaihan.
Kasama rin siyang lumaban sa papapatupad ng death penalty at female genitial mutilation.
Isinilang noong Marso 25, 1934 sa Toledo, Ohio kung saan hindi nakapag-aral lamang siya paaralan sa edad na 12.
Matapos ang unibersidad noong late 1950 ay nagtungo siya sa India para sa research scholarship kung saan gumugol ito ng dalawang taon doon.
Lumipat siya sa New York City noong 1960 at sinimulan ang career bilang freelance writer.
Ibinunyag niya ang working conditions ng Playboy Bunny.
Naging kolumnista ito para sa New York Magazine bago itinaguyod ang Ms. magazine noong 1972.
















