-- Advertisements --
PDEANCR1

(Update) Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang dalawang naarestong suspek sa may Quezon City Central Post Office, Barangay Pinyahan, kahapon.

Ang mga suspek na kapwa babae ay hinuli ng mga tauhan ng anti-narcotic operatives ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) Regional Office-National Capital Region NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) matapos kinuha ang ipinadalang parcel sa ikinasang interdiction operation.

Kinilala ni Dir. III Christian Frivaldo, PDEA-NCR, Regional Director at Task Group Commander ng NAIA-IADITG ang mga suspek na nagngangalang Ma. Isabella Albano, 27-anyos, at Jessica Munoz.

Nakumpiska ng PDEA sa operasyon ang nasa 5,637 piraso ng colored ecstasy o MDMA party drugs na may standard drug price na mahigit P9,582,900, kasama ang isang foot massager.

PDEANCR3

Ayon kay Frivaldo, ang nasabing parcel ay idineklarang “children’s toys and apparel” mula Neuss, Germany.

January 28, 2021 pa nang dumating sa bansa ang parcel.

Iniimbestigahan na ng PDEA ang source ng mga party drugs na umano’y mula Germany.