-- Advertisements --
Warehouse, Bulacan
Photo: Bureau of Customs

Papalo sa P80 million ang halaga ng peking facemasks at smuggled cigarettes ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa Bulacan.

Sinabi ni BoC Commissioner Leonardo Guerrero na nakipag-ugnayan ang Enforcement and Security Services Quick Reaction Team (ESS-QRT) at Customs Intelligence and Investigation service (CIIS) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para i-raid ang naturang warehouse.

Marlboro cigarettesc

Dito raw nadiskubre ang 1,000 master cases ng illicit cigarettes kabilang na ang sikat na Marlboro premium cigarettes.

Tumambad din sa operasyon ang 648 boxes ng pekeng N95 mask na kinopya ang designs at logos sa isang sikat na luxury fashion brands.

fake facemasks

Agad namang dinala ang mga nakumpiskang kontrabandosa Port ofManila para sa inventory at imbestigasyon.

Ang naturang warehouse na sinalakay ng BoC sa pamamagitan ng ESS-QRT at CIIS ay matatagpuan sa Barangay Sta. Rosa, Marilao, Bulacan.

Ang pagkakasabat sa mga pekeng facemasks ay bahagi ng steadfast commitment ng BoC para mapigilan ang pagpasok ng mga smuggled na items sa bansa.

Kabilang na rin dito ang kanilang pagprotekta sa publiko sa panganibna dulot nang paggamit sa mga pekeng items partikular ang facemasks ngayong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.