-- Advertisements --

Inendorso ng Department of Energy (DOE) sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang 17 renewable energy projects para isailalim sa system impact study (SIS), na kinakailangan upang matukoy kung kaya ng grid ang dagdag na suplay ng kuryente.

Aabot sa 3,800 megawatts (MW) ang posibleng maibigay ng mga proyekto sa grid, kabilang ang wind, solar, hydro at battery energy storage systems (BESS) na may kabuuang 392 megawatt-hours.

Pinakamalaki sa listahan ang 1,246-MW wind project ng CI San Jose Corp. Kabilang din ang iba pang malalaking proyekto tulad ng 500-MW San Roque OSW, 180-MWp Agrovoltaic solar, at 192-MWh BESS ng Embrace Nature Power.

Sa kabuuan, umabot na sa 78 ang SIS endorsements ng DOE ngayong taon.

Naglabas rin ang DOE ng apat na certificates of endorsement sa ERC para sa mga solar at diesel projects na naghihintay ng permits to operate.