Marijuana Danao cebu

CEBU CITY – Tinatayang aabot sa P8-million na halaga ng marijuana plants ang nabunot ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang plantasyon sa Brgy. Togonon, lungsod ng Danao sa Cebu.

Ayon sa force commander ng Regional Mobile Forces Battalion (RMFB-7) na si Col. Hector Grihaldo, nakatanggap sila ng ulat mula sa concerned citizen patungkol sa malaking na taniman ng marijuana sa naturang lugar.

Binunot at sinunog ng mga otoridad ang 15,000 na fully-grown marijuana plants sa naturang taniman.

Sinabi rin ni Grihaldo na may palaging bumibisita umano sa marijuana plantation ngunit hindi malinaw sa kanila kung ano ang ginagawa nito.

Inaalam pa ngayon ng PNP at PDEA kung sino ang nagtatanim ng malawak na taniman ng marijuana.