-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nakapamahagi ang Police Regional Office-Cordillera (PRO–COR) ng mahigit sa P8.4-million na halaga ng food packs sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitang ng programang “Kapwa ko, Sagot Ko”.

Ayon kay PMaj. Carolina Lacuata, tagapagsalita ng PROCOR, boluntaryo ang pagbibigay ng donasyon ng mga kasapi ng pulisya at ito ay mula sa kanilang sariling sahod.

Inihayag niyang inisyatibo ng pulisya ang programa para matulungan ang mga pamilyang apektado ng krisis.

Sinabi niyang aabot sa 11,796 pamilya sa Cordillera ang nabigyan ng mga family food packs mula noong Mayo 14.

Maliban dyan, namahagi din ang PROCOR ng mga facemask sa mahigit 1,500 katao habang nakinabang sa libreng sakay ng PNP ang mahigit 1,570 indibiduwal sa Cordillera.