CEBU CITY – Arestado sa ginawang buy-bust operation ng Waterfront Police ang dalawang High Value Individual sa Villagonzalo 1, Barangay Tejero lungsod ng Cebu.

Kinilala ang mga nasakote na sina Thomas Florita Cirujano residente sa naturang lugar at Reynaldo Ygot Capangpangan residente ng Pulpogan Consolacion Cebu.

Tinatayang aabot sa 1,050 grams ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha mula sa mga suspek na tinatayang nasa P7,140,000 ang halaga nito. Maliban sa suspected drugs, nakuhanan din ang mga suspek ng caliber 9mm armscor, isang magazine at apat na bala.

Ayon kay Waterfront Police Station CHief PMaj. Joemar Pomarejos, matagal na minanmanan ang dalawa dahil sa involvement nito sa kalakaran ng illegal drugs.

Pansamantalang nakakulong sa Waterfront Police Station ang mga suspek habang inasikaso na ang kasong kakaharapin ng dalawa. Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nakatakdang isasampa sa mga naaresto.